LAOAG CITY – Sumentro ang talumpati ni Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc para sa ika-122 anibersaryo ng Independence Day ng Pilipinas sa pagkilala sa mga frontliners na pumipigil sa pagkalat ng coronavirus disease.
Sa kaniyang talumpati ay hiningi ang kooperasyon ng publiko na sundin ang mga protocols kagaya sa pagsusuot ng face mask at social distancing.
Kinilala niya ang mga frotliners na patuloy ang pagbabantay sa mga border, mga health workers, LGUs, barangay officials at iba pang nagboluntaryong maging frontliner.
Inhambing nito ang ginawa ng mga bayani upang makawala ang bansa mula sa kamay ng mga mananakop at tinawag na modernong bayani ang mga frontliners.
Huling naitala ang dalawang COVID-19 case sa lalawigan noong Marso ngunit totally recovered na ang mga ito.