Pormal nang nagahin sa Commission on Elections (Comelec) ng manifestation at motion ang Liberal Party (LP) para hilingin sa poll body na bumuo ng independent body na magsisiyasat sa anila’y iregularidad sa nangyaring umano’y pitong oras na data outage ng transparency server noong Lunes.
Hiniling din ng LP sa Comelec na tukuyin kung saang lugar ang nagkaroon ng malfunction ang 961 na vote counting machines (VCM) at ang 1,665 na SD cards na na-corrupt.
Gayundin ang lugar kung saan ini-release ang audit and system logs ng transparency server at ang release ng full tech report sa technical glitch.
Una na ring inihirit ng ilang kaalyado ng LP na ipagpaliban ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato subalit nanindigan ang Comelec na oras na matapos ang national canvassing ay magpoproklama sila ng national candidate.
Samantala sa ngayon, aabot na sa 145 sa 167 ang na-canvass na certificate of canvass ng National Board of Canvassers.