-- Advertisements --

Binigyang-diin ng Malacañang sa pamamagitan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na walang pagbabago sa pakikitungo ng Pilipinas sa Estados Unidos sa administrasyon ni bagong US President Joe Biden.

Sinabi ni Sec. Panelo, ipagpapatuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinairal na independent foreign policy sa Estados Unidos sa nagdaang Trump administration.

Ayon kay Sec. Panelo, sa pamamagitan nito, inaasahan nilang mananatiling mainit ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos na nakaangkla sa pagiging matagal na magkaalyado sa maraming aspeto gaya ng paglaban sa terorismo.

Inihayag ni Sec. Panelo na nakapagtatag ng respeto at magandang pagkakaibigan si Pangulong Duterte kay dating US President Donald Trump kaya wala silang nakikitang dahilan para hindi magkaroon ng kahalintulad na friendly relationship sa pagitan nina Duterte at Pres. Biden.

Marami daw pending matters sa pagitan ng Pilipinas at US gaya ng Visiting Forces Agremeent (VFA) at isyu sa anti-drug war ni Pangulong Duterte pero ang malinaw umano ay hindi na tayo vassal state o hawak ng alinmang foreign entity at hindi papayagang bastusin o sagkaan ng co-equal power gaya US ang ating pagiging independent o malaya.

“There are a number of pending matters between the Philippines and the USA on diverse subject matters, such as the Visiting Forces Agreement, as there have been several local commentaries on how the Biden Presidency will affect how the Philippine Government will run its affairs, including its campaign against illegal drugs. All discussions regarding these are based on conjectures or surmises and we do not wish to join these commentators in such futile practice. One thing is, however, certain: the Philippines is no longer a vassal state to any foreign entity and as such, it will not allow any co-equal power to disrespect its independence,” ani Sec. Panelo.