Pinabulaanan ng India at Japan ang paratang ni US President Joe Biden na xenophobic ang mga US ally-countries at hindi wine-welcome ang mga immigrant sa kanilang bansa.
Sa isang panayam kay India Minister of External Affairs Subrahmanyam Jaishankar, sinabi nito na bukas daw ang kanilang bansa sa mga immigrant at sinabing malakas ang kanilang ekonomiya.
Nagbigay naman ng pahayag ang Japan embassy sa Washington, DC at tinawag itong “unfortunate” at hindi umano naiintindihan ng US leader ang polisiya ng Japan.
Kung matatandaan, sinabi ni US Pres. Biden sa isang campaign fundraiser event na kaya umano humihina ang bansa ng ilang mga bansa tulad ng China, Japan, Russia, at India dahil ang mga ito raw ay xenophobic o ayaw sa mga immigrant.
Isa kasi sa itinuturong dahilan ng pangulo ng US ang pagdami ng immigrant sa kanilang bansa sa paglago ng kanilang ekonomiya.