-- Advertisements --
Nakatakdang luwagan ng India ang kanilang ipinapatupad na quarantine protocols dahil sa pagbaba na umano ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
NItong linggo kasi ay mayroon 114,460 na kaso ang naitala na siyang itinuturing na pinakamababa sa loob ng dalawang buwan.
Simula ngayong Hunyo 7 ay bubuksan na ng Maharashtra state ang ilang mga negosyo na kanilang ipinasara mula pa noong Abril.
Patuloy pa rin ang babala ng mga otoridad na baka magkaroon ng ikatlong wave ng infection dahi sa patuloy pa rin ang nangyayaring hawaan.