-- Advertisements --
Ibinunyag ng World Health Organization (WHO) na kumalat na sa ibang bansa ang B.1.617 o ang India COVID-19 variant.
Base sa data ng GISAID open-access database, na-detect ang uri ng virus saa 17 bansa sa buong mundo.
Maliban sa India, matatagpuan na rin umano ang India COVID-19 variant sa United Kingdom, USA at Singapore.
Nauna nang sinabi ng kagawaran na ang nasabing variant ay madaling nakakahawa, nakamamatay at may kayang umiwas sa mga proteksyon ng bakuna.
Sa kasalukuyan, gumagawa pa ng karagdagang pag-aaral ang UN agency sa characteristic ng India COVID-19 variant lalo na ang impact nito sa transmissibility, severity at risgo ng re-infection.