-- Advertisements --

Dinoble ng India ang inilagay nilang sundalo na magbabantay sa pinag-aagawang border nila ng China.

Kasunod ito sa tumitinding tensiyon sa nasabing dalawang bansa.

Ayon kay India foreign minister S Jaishankar na hindi nila hahayaan na baguhin ng China ang ipinapatupad na status quo order sa Arunachal Pradesh state.

Nagsimula ang engkuwentro dahil sa gingawang pananakop ng mga sundalo ng China.

Ang border ay may habang 3,440 kilometero na tinawag na Line of Actual Control o LAC.