-- Advertisements --
INDIA US

Napahiya si US President Donald Trump matapos itanggi ng Indian officials na inimbitahan ng kanilang gobyerno ang American president na mamagitan sa nagaganap na kaguluhan sa Kashmir, India.

Ayon kay Raveesh Kumar, tagapagsalita ng India’s Ministry of External Affairs, wala raw ganitong kahilingan si indian Prime Minister Narendra Modi.

Ito ay taliwas sa naging pahayag ni Trump na humihingi umano ng tulong ang naturang rehiyon upang resolbahin ang kanilang problema.

Binigyang-diin din ni Kumar na ang usapin tungkol sa territorial dispute ay malulutas lamang sa tulong ng bilateral talks sa pagitan ng India at Pakistan.

“I was with Prime Minister Modi two weeks ago and we talked about this subject. And he actually said, ‘Would you like to be a mediator or arbitrator?’ I said, ‘Where?’ He said, ‘Kashmir.’ Because this has been going on for many, many years,” saad ni Trump kay Pakistani Prime Minister Imran Khan.

“I think they’d like to see it resolved and I think you’d like to see it resolved,” patuloy ng presidente. “If I could help, I would love to be a mediator.”

Inulan naman ng negatibong reaksyon mula sa Indian community ang mga naging komento ni Trump.

Ayon sa kanila, ang pangingialam ng U.S ay paglabag sa 1972 Simla Agreement sa pagitan ng India at Pakistan.