Sinimulan na ng India ang pamamahagi ng kanilang bagong gawang gamot sa mga sintomas ng COVID-19.
Inaprubahan na kasi ng mga otoridad ang 2-DG at ito ay ginamit na sa mga pagamutan sa buong Delhi.
Ayon sa gobyerno, ang bakuna ay mayroong magandang benepisyo sa mga taong dinapuan ng COVID-19.
Ang gamot na 2-deoxy-D-glucose o 2-DG ay gawa ng Defence Research and Development Organisation (DRDO).
Ipinagmalaki pa ng gobyerno na naging maganda ang resulta ng clinical trial results na tumulong para sa mabilis na paggaling ng pasyente na nasa pagamutan at ang pagbawas sa pagdepende ng pasyente ng oxygen.
Magagamit aniya ang nasabing gamot sa mga mayroong katamtaman hanggang mayroong matinding sintomas ng COVID-19.
Itinuturing kasi na global epicenter ang India dahil sa dami ng kaso ng COVID-19 kung saan mayroong mahigit 24 milyon ang kaso at mahigit 270,000 na ang nasawi.