Inaayos na agad ng Indian Space Research Organisation (ISRO) ang mga naging aberya ng ikalawang lunar mission para sa muling paglunsad nila ng kanilang space craft.
Ito ay matapos nagkaroon ng problema ilang oras bago ang paglipad ng Chandrayaan-2 sa Sriharikota space station.
Ang $150-million mission ay siyang kauna-unahan na lalapag sa south pole ng buwan.
Nakatutok ito sa lunar surface na maghahanap ng water at minerals habang sinusukat ang moonquakes at iba pa.
Sakaling magtagumpay ay magiging pang-apat na bansa na ang India na nagsagawa ng soft landing sa ibabaw ng buwan.
Ilan sa mga dito ay ang US, China, at ang dating Soviet Union.
Sakaling natuloy ang nasabing paglipad ay inaasahan na lalapag ito sa buwan sa Setyembre.
Itinuturing na isang pinakamalakas na rocket ang gamit ng India na tinawag na Geosynchronous Satellite Launch Vehicle Mark III.
May bigat ito na 640 tonelada at haba na 144 talampakan na sing-taas ng 14-storey building.