-- Advertisements --
Inaprubahan ng mga drug regulator ng India ang kauna-unahan sa buong mundo na DNA vaccine laban sa COVID-19.
Ang three-dose ZyCoV-D vaccine ay kayang pigilan ang symptomatic disease ng 66% ng mga bakunadong indibidwal.
Ayon sa Cadila Healthcare ang kumpanya ng nasabing bakuna na plano nilang gumawa ng 120 milyon doses kada taon.
Ito na ang ikalawang home-grown vaccine na ginawa ng India.
Ang unang DNA vaccine kasi ay epektibo sa mga hayop pero hindi sa mga tao.
Mayroon ng 570 milyon doses ang inaprubahan ng India na ito ay mga Covishield, Covaxin at Sputnik V.
Nasa 13 percent ng mga adult ang nabakunahan na sa India at 47 percent lamang ang nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine.