Inilabas na ng India ang pangalan ng apat na Air Force pilots na pupunta sa daangtala o orbit sa susunod na taon.
Sasakay ang mga ito sa Gaganyaan misson na layon nito na maipadala ang tatlong astronauts sa daangtala ng 400 kilometers at makabalik sa mundo sa loob ng tatlong araw.
Makauling ulit na nagsagawa ng test flights ang space agency ng India para maging matagumpay ito.
Noong Oktubre ay ipinakita nila kung paano magiging ligtas na makalabas ang astronaut sa spaceshuttle kung sakaling magkaaberya.
Pinangunahan ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang pagpapakilala sa publiko ng mga napiling astronauts na sina Captain Prashanth Balakrishnan Nair, Group Captain Ajit Krishnan, Group Captain Angad Pratap at Wing Commander Shubhanshu Shukla.