-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 100 milyon doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok na ng India.
Ayon sa health ministry ng Indina na itinuturing nila na sila ang pinakamabilis na nagbakuna sa buong mundo.
Nagawan aniya nila ang nasabing pagbabakuna sa loob lamang ng 85 araw habang ang US ay umabot 89 araw at 102 araw naman sa India ng maabot nila ang 100 milyon doses ang nabakunahan.
Kasabay ng taas ng bilang ng nabakunahan na ng India ay ganun din ang kabilis ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang naitatala sa nasabing bansa.
Target din ng nasabing bansa na umabot sa 250 milyon katao ang mabakunahan pagdating ng Hulyo.