-- Advertisements --

Magpapadala ang India ng nasa 8 milyon doses ng COVID-19 vaccine hanggang sa katapusan ng Oktubre.

Ito ay dahil nagtapos na ang pagbabawal ng bansa na magpadala ng bakuna sa ibang bansa.

Isa rin ito sa naging pangako ni Indian Prime Minister Narendra Modi sa naging pagpupulong ng tinatawag na Quad sa Washington.

Kasama ang India sa pulong ng Australia, US at Japan para malabanan ang lumalakas na impluwensiya ng China sa Asia-Pacific region.