-- Advertisements --
Nagpatupad 21-araw na nationwide lockdown ang India.
Sinabi ni Indian Prime Minister Narendra Modi, magsisimula ito sa araw ng Miyerkules.
Lahat aniya ng 36 estado at territories ng nasabing bansa ay sasailalim sa complete lockdown para hindi na kumalat pa ang coronavirus 2019 o COVID-19.
Kabilang na isasara ay ang mga establishimento, factories, workshops, opisina, palengke at mga simbahan.
Maging ang pampublikong transportasyon at ang mga construction ay matitigil.