Nagpatupad ang India ng mandatory quarantine sa lahat ng mga United Kingdom nationals na magtutungo sa kanilang bansa kahit na sila ay bakunado na laban sa COVID-19.
Base sa bagong panuntunan na sasailalim sa 10 araw na quarantine ang mga British citizens na darating sa kanilang bansa.
Ang nasabing hakbang aniya ay bilang ganti sa ipinatupad ng UK sa mga Indians na bumibisita sa kanila.
Lahat kasi ng mga Indians na magtutungo sa UK ay kailangan ng quarantine kahit na sila ay bakunado na.
Nagbunsod ang tension ng dalawang bansa dahil sa AstraZeneca vaccine version ng India na Covishield.
Noong nakaraang mga buwan kasi ay nagkausap na si Indian Foreign Minister Subrahmanyam Jaishankar at British Foreign minister Liz Truss ng dumalo sila sa United Nations sa New York kung saan hinikayat nila ang isa’t-isa na resolbahin na ang isyu tungkol sa quarantine.