Matagumpay na inilunsad ng India ang kanilang rocket na may laman na observatory na siyang mag-aaral sa mga astronomical na bagay gaya ng mga black holes.
Isinagawa ang pag-take off ng rockets sa Sriharikota spaceport dakong 9:10 ng umaga ora sa India.
Ito na ang pangalawang mission sa mundo na unang inilunsad ng NASA noong 2021.
Ayon sa Indian Space Agency na nais nilang tulungan ng mga scientist na ma-improve ang kaalaman ukol sa black holes.
Sinabi naman ni Indian Space Research Organisation (Isro) chairperson S Somanath na magiging kapana-panabik ang nasabing misyon dahil sa pagtuklas ng mga kakaibang bagay sa kalawakan.
Ang black hole ay isang rehiyon sa kalawakan kung saan ito ay biglang gumuguho sa gitna.
Sinasabing mula ito sa pagsabog ng mga demise ng malaking estrella na mas malaki pa sa araw.
Dahil dito ay pag-aaralan ng Isro’s satellite na X-ray Polarimeter Satellite (XPoSat) ang mas malalim na pag-aaral sa black holes.
Nagkakahalaga ang nasabing satellite ng mahigit $30 milyon at ang XPoSat satellite ay tumatagal ng hanggang limang taon.