-- Advertisements --

Muli na namang nagtala ng panibagong worldwide record ang bansang India sa dami ng kaso na nai-record sa loob lamang isang araw.

Nitong nakalipas na magdamag umabot sa halos 98,000 ang panibago na namang mga kaso.

Sa ngayon lalo pang lomobo sa 5.1 million ang COVID cases makaraang maitala nitong araw ang 97,894 na panibagong mga nahawa.

Liban nito, meron ding 1,132 ang mga bagong nasawi kung saan ang death toll ay mahigit na ngayon sa 83,000.

Pumapangalawa ngayon ang India sa Amerika na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.