-- Advertisements --
Nagbigay na ang India ng regulatory approval sa on-shot Sputnik Light COVID-19 vaccine na gawa ng Russia.
Ayon sa Russian Direct Investment Fund, isinagawa ng India ang approval matapos ang pag-otorisa nila ng two-dose Sputnik V noong nakaraang taon.
Ang Sputnik Light ay unang component ng Sputnik V vaccine na maaring gamitin rin bilang booster shot sa ibang mga bakuna.
Sinabi naman ng namumuno ng fund na si Kirill Dmitriev na tinawag nito ang Sputnik Light bilang solusyon sa pagtaas ng efficacy at pagtatagal ng ibang mga bakuna kabilang ang bakuna laban sa Omicron coronavirus variant.