Pumalo na sa 1 bilyon ang naturukan ng COVID-19 vaccines sa bansang India.
Naabot ng bansa ang nasabing bilang ilang buwan matapos ang pananalasa ng second wave ng infections na ikinasawi ng ilang libong katao.
Nagbabala rin ang mga eksperto sa India na hindi pa dapat sila magdiwang dahil mayroon pang mahigit 3 milyon pa ang hindi natuturukang ng COVID-19 vaccines.
Umaabot kasi sa 30% sa adult population sa India ang nabigyan na full vaccination at mayroon lamang 74% naman ang nabigyan lamang ng 1 dose.
Ayon pa sa Ministry of Health ng India na 41% na mga bata na nasa edad 18 pababa ang bumubuo sa populasyon ng bansa na hindi naman maaari pang maturukan ng bakuna.
Pinangangambahan din ng mga experts ang muling pagbubukas na ng India ng kanilang bansa para sa mga turista ganun din ang pag-angkat ng kanilang bakuna sa ibang bansa.
Posible rin kasi makaranas ang India ng third wave lalo na ang paparating na Hindu festival of lights sa Nobyembre.