-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkadismaya ang India sa hindi pagbibigay ng suporta ng mga mayayamang bansa sa mga mahihirap.
Ayon sa reporesentative ng India sa COP26 climate summit sa Glasgow, Scotland na noong 2009 ay nangako ang mga mayayamang bansa na magbibigay ng $100 bilyon kada taon bilang climate finance para sa mga mahihirap na bansa.
Nanguna pa aniya ang mga mayayamang bansa sa mga karamihang greenhouse gas emmissions pero hindi nila nakikita ang epekto ng climate change.
Hinamon na lamang ng India ang mga mayayaman na bansa na manguna na lamang sila sa pagtanggal ng mga fossil fuels.
Isa kasi sa napag-usapan sa climate summit ang pagpapanatili ng 1.5 degree celcius na klima.