-- Advertisements --

Pinasinungalingan ng gobyerno ng India na umabot na sa mahigit isang milyon ang nasawi matapos dapuan ng COVID-19.

Iginiit ng Indian government na umaabot lamang sa mahigit 420,000 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.

May ilang estado sa India ang nagsasagawa ng reconcillation ng kanilang data matapos ang pagtaas ng kaso noong Abril at Mayo.

Magugunitang lumabas sa pag-aaral ng US research group na Center for Global Development na pumalo na sa 3.4 million o 4.7 milyon katao ang nasawi sa India dahi sa COVID-19.