Nais din umano ni Indian Prime Minister Narendra Modi na tanggapn ang imbitasyon ni US President Donald Trump upang dumalo sa susunod na Group of Seven summit.
Kinumpirma ng Indian government na nakapag-usap na ang dalawang pinuno sa telepono noong Martes.
Ayon sa mga opisyal, pormal umanong inimbitahan ni Trump si Modi para makihalubilo sa G7 summit. Nakatanggap naman si Trump ng papuri mula sa prime minister dahil magkakaroon na ng kooperasyon ang India hindi lamang sa Estados Unidos ngunit pati na rin sa ibang bansa.
Aniya tamang tama raw ang imbitasyon para na rin talakayin ang usapin tungkol sa coronavirus pandemic.
Nagpalitan din umano ng pananaw ang dalawa tungkol sa coronavirus infection sa kani-kanilang mga bansa pati na rin ang dapat gawing pagbabago sa World Health Organization.