-- Advertisements --
Maghihigpit na ang gobyerno ng India sa mga pagsasagawa ng religious activities dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.
Isa sa nagbabala si Mumbai Mayor Kishori Pednekar kung saan kapag hinayaan ang pagsasagawa ng mga kasiyahan ay tiyak na lolobo pa ang mga kaso ng COVID-19.
Mula kasi ng lumubo ang kaso ng COVID-19 noong Abril ay hinigpitan na ng gobyerno ang mga pagsasagawa ng mass gathering.
Magsisimula kasi sa Setyembre 10 ang 11-araw na Hindu Ganesh Chaturthi festival na tiyak na dadaluhan ng ilang libong katao.