-- Advertisements --
Nagkukumahog ngayon ang mga engineers sa India na makagawa ng murang klaseng ventilators na gagamitin para mailigtas ang mga nadapuan ng coronavirus.
Galing ang mga engineers sa ilang sikat na engineering school sa India na nakagawa noon ng mga water-less robots na naglinis ng solar plants.
Nasa 48,000 lamang kasi ang ventilators sa India at hindi pa alam kung ilan sa mga dito ang gumagana.
Nagkakahalaga ang mga ventilators na ginawa sa Nocca Robotics ng $662 kung saan sinubukan na ang mga ito sa mga prosthetic devices na nagbibigay ng oxygen at nagtatanggal ng carbon dioxide sa dugo.