Nagsagawa ang India ng testing sa kanilang nuclear-capable intercontinental ballistic missile na may saklaw na 5,000km (3,125 milya) mula sa isang isla patungo sa labas ng silangang baybayin.
Ito ay sa gitna ng tumataas na tensyon sa pagitan ng China.
Naging matagumpay naman ang isinagawang testing ng bansa sa kanilang Agni-5 missile.
Binubuo ng India ang kanilang medium at long-range missile system na mayroon at walang nuclear warheads mula noong 1990s sa gitna ng pagtaas ng strategic competition sa China.
Ginawa nila ito bilang pagpapalakas sa kanilang kakayahan na ipagtanggol ang kanilang bansa.
Napag-alaman na sumiklab ang tensyon sa pagitan nila noong nakaraang taon dahil sa matagal nang pinagtatalunang bahagi ng kanilang hangganan sa bulubunduking lugar ng Ladakh.
Naghihinala rin ang India na pinagplanuhan ng Beijing na palakihin ang impluwensya nito sa Indian Ocean.