Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa India sa pagbagsak Air India Express flight na ikinasawi ng 17 katao kabilang na Rito ang piloto habang nasa malubhang kalagayan ang halos 50 iba pa.
Sinabi ni Civil Aviation Minister Hardeep Singh Puri, mayroong kabuuang 191 ang katao na lulan ng eroplano kung saan karamihan sa mga ito ay mga repatriated Indian nationals mula sa Dubai dahil sa coronavirus pandemic.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nag-overshoot umano ang nasabing eroplano sa runway ng Calicut airport sa Kozhikode dahil sa matinding pag-ulan.
Labis naman ang kalungkutan ni Indian Prime Minister Narenda Modi sa nasabing insidente kung saan nagpaabot ito ng pagdarasal at pakikiramay sa mga kaanak ng biktima.
Ang Air India Express flight IX 1344 ay isang Boeing 737-800 aircraft.