-- Advertisements --

Nagtala ang India ng mahigit na 300,000 kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Ito na ang pang-apat na magkakasunod na araw na may ganoong kataas na kaso ng COVID-19 na naitala.

Sa loob lamang kasi ng 24 na oras ay mayroong 333,533 na bagong kaso ng COVID-19.

Sa nasabing bilang ay mayroong 525 na ang nasawi.

Umaabot na rin sa 489,409 ang nasawi matapos dapuan ng nasabing virus.

Nitong nakaraang Sabago lamang ay mayroong 337,704 ang naitala sa India.

Bagamat ganiya ang nasabing kaso ay ipinagmalaki ng health ministry ng India na mabilis naman ang recovery rate na umaabot na sa 93.18%.