-- Advertisements --

Nagtala ang India ng bagong kaso ng mas nakakahawa at nakakamatay na klase ng COVID-19 na unang natagpuan sa United Kingdom.

Agad na inilagay sa isolation ang anim na indibidwal na mga galing sa UK.

Ang nasabing bagong variant ay itinuturing na mas nakakahawa kaysa sa naunang strain at mas nakakamatay.

Nagsasagawa na ang mga opisyal ng contact-tracing sa mga nakasalamuha ng nakapitan ng bagong COVID-19 strain.

Nauna rito, isa ang India sa nagpatupad ng travel restrictions mula sa UK.