-- Advertisements --
Maraming mamamayan ng India na dumalo sa taunang Kumbh Mela festival ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa nasabing kasiyahan ay mahigit tatlong milyon kasi ang sabay-sabay na naligo sa Ganges river sa Haridwar city na siyang pagsisimula ng dalawang-buwang piyesta.
Dahil dito ay nagtala ang India ng 184, 372 na nagpositibo sa COVID-19 sa isang araw na siyang pinakamaraming kaso sa loob lamang ng isang araw.
Inaasahan ng mga otoridad na madagdagan pa ang nasabing bilang sa mga susunod na araw.
Paniniwala kasi ng mga Hindu na isang banal ang Ganges river kaya marami ang naligo at lumusong sa ilog para malinis ang kanilang kasalanan at sila ay maligtas.