-- Advertisements --
Naitala na ng India ang unang kaso ng mas nakakamatay na mpox.
Ang clade ib strain ay isang strain ng virus na kinumpirma ng mga health authorities sa Kerala state na dumapo sa 38-anyos na lalaki.
Bumiyahe umano ang nasabing biktima sa Dubai noong nakaraang mga buwan.
Pinuri naman ni Health Minister Veena George ang mga health officials ng Kerala dahil sa mabilis nilang na-detect ang kaso.
Ang nasabing strain ay unang nakita sa labas ng Africa gaya ng Sweden at Thailand.
Magugunitan idineklara ng World Health Organization ang global health emergency sa Democratic Republic of Congo dahil sa mabilis na pagkalat ng virus.