-- Advertisements --

Nagtala ng mahigit 83,000 bagong COVID-19 cases ang India sa ikalawang sunod na araw.

Sa inilabas na datos ng Indian Health Ministry, pumalo sa kabuuang 83,341 ang bagong kaso ng sakit sa kanilang bansa.

Kaya naman, pumapalo na umano sa halos 4-milyon ang kabuuang kaso ng virus.

Nasa 3.09-milyon naman ang nailistang mga recoveries.

Maliban dito, umabot din sa 1,096 ang bagong coronavirus deaths sa India, dahilan para lumobo pa ang nationwide death toll sa 68,472. (CNN)