-- Advertisements --
India COVID ministry

Muli na namang nakapagtala ng panibagong record ang India bilang pinakamataas na COVID case sa loob lamang ng isang araw na umabot sa 96,551.

Ayon sa Ministry of Health and Family Welfare, sa kabuuan nasa 4.56 million na ang mga kaso sa kanilang bansa.

Sa naturang bilang nasa 943,480 ang mga active cases.

Sa ngayon ang mga recovered patients ay mahigit na rin sa 3.5 million..

Ito ang ikalawang sunod na araw na naka-record ng highest number ng coronavirus cases ang isang bansa sa buong mundo ayon naman sa ulat ng John Hopkins University data.

Samantala ang death toll sa India ay umakyat na rin sa 76,271.

Mahigit naman sa 54 million samples ang isinailalim na sa test batay sa data ng Indian Council of Medical Research.