-- Advertisements --
INDIA 4

Muling binulabog ngayon ang India sa mga report na umabot sa mahigit na 83,000 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Inanunsiyo ng Health Ministry ng India na nitong araw lamang merong kabuuang 83,337 ang COVID cases.

Nalampasan pa nito ang record noong August 27, na nasa mahigit 77,000 sa isang araw.

Ang India ang pumapangatlo sa Amerika at Brazil na may pinakamaraming kaso ng deadly virus sa buong mundo.

Agad namang nagpaliwanag ang Indian Health Ministry na kaya naman tumataas ang bilang ng kanilang kaso dahil nasa 1.1 million na ang isinagawa nilang COVID tests sa loob ng 24 oras.

Sa ngayon ang total number of cases sa India ay nasa 3.8 million na habang ang death toll ay mahigit naman sa 67,000.