BAGUIO CITY – Inamin ng isang doctor sa India na kagaya ng maraming bansa ay humaharap rin sila sa maraming pagsubok pagdating sa kakulangan ng medical supplies at Personal Protective Equipment (PPE) sa gitna ng COVID-19 crisis.
Sa datos rin ay ang bansang India ang isa sa may pinakamababang testing rates ng coronavirus sa buong mundo.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Dr. Asit Khanna, isang Indian cardiologist sa Delhi, India, sinabi nitong malaking problema ang nararanasan ng medical industry ng bansa, bagamat patuloy naman ang ginagawang aksyon ng gobyerno.
“We are facing a severe shortage of these personal protection devices. The situation varies from state to state. The private institutions are relatively better placed. This shortage is being tackled by the government. The shortage will be long lasting and the shortfall would be covered up in a month’s time, and by that time, the infection would have increased.”
Samantala, dahil naman sa ipinapatupad na nationwide lockdown sa bansa ay ibinahagi nitong nagkaroon ng malaking pagbabago sa sitwasyon ng buhay roon, lalo na patungkol sa polusyon at kalinisan.
“There is a nationwide lockdown in India. That is one of the good things of the corona infection. We have been seeing clear skies, smokeless days, the water is clearer. We have seen wild animals on the road sides in all states of India.”
Mensahe naman ng Indian doctor sa kanyang mga kapwa front liners na ingatan ang sarili para maingatan rin ang mga nasa paligid nito.
“Stay updated. That is the most crucial aspect for a health care worker. We are medical people. Be brave. Be safe. Protect yourself. If you are safe, your patients are safe. If your patients and yourself are safe, then your family is safe. As a medical worker, it is your duty that you are healthy so that you can take care of others.”
Sa huling tala ay mayroon ng mahigit 14,000 confirmed cases habang halos 500 na ang namatay.