Nalampasan na ng India ang Brazil bilang ikalawa sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Ito ay matapos maitala ngayon ang panibagong record sa loob lamang ng isang araw na umaabot sa 90,802.
Sa data ng Ministry of Health and Family Welfare nasa kabuuang 4,204,613 ang coronavirus cases sa India kumpara sa Brazil na nasa 4,137,521 batay naman sa data ng Johns Hopkins University.
Ang Amerika ay nangunguna sa mga COVID cases na meron ng mahigit sa 6.4 million.
Kung sa death toll mas mababa naman ang India na nasa 71,642 samantalang ang Estados Unidos ay halos 195,000 na at ang Brazil naman ay mahigit sa 126,000 ang fatalities.
Ang India ang itinuturing na world’s second most populous nation kung saan ang mga tao ay umaabot ang bilang sa 1.3 billion.
Anim na beses itong mas marami kumpara sa popolasyon ng Brazil.