Pinalawig pa ng India ng dalawang linggo ang ipinapatupad lockdown dahil sa coronavirus lockdown.
Nakatakdang magtapos ang lockdown sa Mayo 4 na sinimulan noong Marso 25.
Nagpatupad na rin ang kanilang gobyerno ng pagbubukod sa mga lugar.
Tinawag na red zone ang lugar kung saan marami ang panganib ng pagkalat ng infection ang green zone naman ay ang lugar kung saan walang kumpirmadong kaso sa loob ng 21 araw.
Tinawag naman na red and orange zones ang lugar kung saan pinaigting ang contact tracing, house-to-house surveillance at ang walang galawang lugar maliban lamang sa mga medical emergenices at mga suplay ng mga essential goods and services.
Mayroong mahigit 35,000 na ang nadapuan ng virus habang mayroong mahigit 1,000 na rin ang nasawi sa nasabing bansa.