-- Advertisements --

Ipinasakamay ng India ang sundalo mula sa China matapos na ito ay tumawid sa pinag-aagawang border sa Himalayan region.

Naaresto ang sundalo ng People’s Liberation Army sa Demchok area sa Ladakh, India nitong Lunes.

Bilang pagsunod sa protocols ay ipinasakamay ng India ang nasabing sundalo sa China.

Binigyan pa nila ito ng oxygen at pagkain nang kanila raw itong makita.

Naging mataas ang tensiyon sa dalawang bansa sa nasabing lugar noon pang Hunyo.

Kung saan kapwa inaakusahan ng bawat isa ng pananakop sa nasabing lugar.

Bahagyang humupa ito ng magsagawa ng ilang military-level na pag-uusap ang dalawang panig.