Inanunsyo ngayon ng India na binabalak nilang ilunsad ang ikatlo nilang lunar mission.
Ito’y ilang buwan matapos mag-crash landing ang pinakahuli nilang misyon sa buwan.
Ayon kay K Sivan, chairman ng space agency ng India, maayos daw ang usad ng kanilang preparasyon para sa Chandrayaan-3 unmanned mission.
Inaasahan daw na papalo hanggang $35-milyon ang panibagong equipment, ngunit mas mataas pa raw dito ang gagastusin para sa buong misyon.
Target daw ng kanilang bansa na ilunsad ang misyon ngayong 2020, ngunit posile pa raw itong maurong sa susunod na taon.
Sakaling maging matagumpay, ang India na ang ikaapat na bansa na nakagawa ng soft landing sa buwan, at mapaganda pa ang kanilang credential bilang isang low-cost space power.
Sa kasalukuyan, tanging Russia, Estados Unidos, at China pa lamang ang nagtagumpay na sa kanilang misyon sa buwan. (BBC)