-- Advertisements --

Ikinokonsidera ngayon ng India na magkaroon sila ng emergency authorization para sa bakuna laban sa COVID-19.

Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso na nadapuan ng virus na umaabot na sa halos 5 million.

Ang nasabing hakbang ay para sa mga may edad na at yung mga taong nasa panganib ang pinagtatrabahuan.

Ayon kay Indian Health Minister Harsh Vardhan, na mahalaga itong hakbang para sa kanilang mga may edad na.

Maari rin na mabawasan ang araw sa Phase III trials ng bakuna sa pamamagitan ng pagbibigay ng authorization.

Inaasahan kasi na sa unang quarter pa ng taong 2021 matatapos ng India ang nasabing bakuna laban sa COVID-19.