-- Advertisements --
Sinimulan na ng India ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine sa mga edad 12 hanggang 14.
Gagamitin aniya sa nasabing pagpapabakuna ang Corbevax ang ikatlong bakuna na gawa sa bansang India.
Isinagawa ang pagpapakuna isang linggo matapos na simulan ang muling pagbubukas ng klase.
Pinalawig din ng India ang kanilang booster programme sa pamamagitan ng pagtanggal ng restrictions sa mga mayroog comorbidities.
Dahil dito ay papayagan ang mga may edad 60-pataas na mabigyan ng booster shot.