-- Advertisements --

Tinaasan pa ng gobyerno ng Delhi sa India ang multa sa mga hindi magsusuot ng kanilang mga face mask.

Ang nasabing hakbang ay para mabawasan ang pagdami ng mga nahahawaan ng coronavirus.

Sinabi ni Delhi Chief Minister Arvind Keriwai, na mula sa dating $7 ay magiging $27.

Pumalo na kasi sa mahigit kalahating milyon ang kaso ng COVID-19 sa lugar at mayroong mahigit 8,000 katao ang nasawi.