Tinanggal ng India ang mga buwis na ibinayad ng mga mamimili sa petrolyo at diesel matapos tumaas ang halaga ng crude oil.
Ang buwis umano ang nagtulak na tumaas ang presyo ng petrolyo.
Ang desisyon ng gobyerno ay naglalayong bawasan ang pagtaas ng presyo at pasiglahin ang overall economic cycle.
Una nito, tumaas ang mga presyo ng pandaigdigang bilihin ngayong taon habang ang mga ekonomiya sa buong mundo ay unti-unti nang nakakabangon mula sa pandemya.
Gayunpaman, ang hakbang ay inaasahan din na magpapalakas ang demand para sa gasolina habang sinusubukan ng mga bansa na pigilan ang pagkonsumo ng fossil fuel.
Ang excise duty ng India sa petrolyo ay nabawasan ng 5 rupees kada litro, at ng 10 rupees sa diesel.
Ang pagbawas sa excise duty sa petrolyo at diesel ay magpapalakas din daw ng konsumo at mapanatiling mababa ang inflation, kaya makakatulong ito sa mahihirap at middle class.
Kasunod ng anunsyo ng federal government, hindi bababa sa 10 estado na pinamumunuan ni Prime Minister Narendra Modi’s Bharatiya Janata Party (BJP), o ng kanyang mga kaalyado na babawasan pa nila ang mga lokal na buwis sa gasolina ng hanggang 7 rupees bawat litro.
Ang pagbawas sa buwis ay malamang na makakatulong din na mabawasan ang pressure sa mga manufacturers at farmers.
Gayunpaman, ang mga pagbawas sa buwis ay inaasahang tataas din ang pagkonsumo ng petrolyo at diesel kahit na ang mga pandaigdigang pinuno, kabilang si Mr Modi, ay nagtitipon para sa COP26 climate change conference upang harapin ang pag-asa ng pandaigdigang ekonomiya sa fossil fuels.