Itinuturing ng World Health Organization (WHO) bilang “global concern” ang COVID-19 variant na nadiskubre sa bansang India.
Ang B.1.617 na unang nadiskubre noong nakaraang taon ay siyang pang-apat na variant na nangangailangan ng mas pinaigiting na tracking at analysis.
Mas makapaminsala aniya ito kumpara sa mga variant na nadiskubre sa Britain, South Africa at Brazil.
Ayon kay WHO technical lead on COVID-19 Maria Van Kerkhove na mayroon silang sapat na impormasyon na ang nasabing variant ay may mabilis na pagkakahawa.
Magugunitang unang nadiskubre ang Indian COVID-19 variant noong Disyembre 2020 pero ito ay mas maagang nakita na noon pang Oktubre 2020.
Naglunsad na rin ang WHO ng fund raising activities para sa pagbili ng mga oxygen, gamot at mga protective equipment para sa mga health workers.