-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang Indian actor na si Nedumudi Venu sa edad 73.

Noong Oktubre 5 ng dinala ito sa KIMS hospital dahil sa panghihina ilang araw matapos na gumaling na ito sa COVID-19.

Nakilala si Venu na actor sa South Indian film industry.

Naging three-time National Award winner siya sa kaniyang role sa “His Highness Abdullah” at “Margam”.