-- Advertisements --

Pumanaw na ang Indian actor na si Puneeth Rajkumar sa edad 46.

Sinabi ng kaniyang doctor, dinala ang actor sa Vikram Hospital matapos dumanas ng cardiac arest.

Ginawa aniya nila ang lahat ng makakaya subalit hindi na ito nakayanan ng actor.

Kilala si Rajkumar bilang actor, television presenter, singer at producer.

Nanguna si Indian Prime Minister Narendra Modi sa nagpaabot ng pakikiramay sa mga kaaanak ng actor.