Iniulat ng World Health Organization (WHO) na kumalat na sa 44 na bansa sa buong mundo ang Indian COVID-19 variant.
Sa report ng UN health agency, ang B.1.617 variant ang unang nadiskubre sa India noong buwan ng Oktubre at kumalat ito sa iba’t ibang bansa.
Ayon kay Maria Van Kerkhove ng WHo na may mga nakuha silang impormasyon na maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga bansa na mahawaan ng Indian variant.
Dahil ito, pinagtuunan ng pansin ng kanilang ahensiya ang dalang epekto ng deadly virus sa global level.
Nilinaw din ng kagawaran na base sa kasalukuyang data, ang COVID-19 vaccines ay nananatiling epektibo na mapigilan nito ang sakit at pagkamatay ng mga nagpositibo sa coronavirus disease.
Napag-alaman na patuloy pa rin ang pagdami ng bilang ng mga namatay at natamaan ng Indian COVID-19 variant. (with reports from Bombo Jane Buna)