-- Advertisements --
VERGEIRE FEB10

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na hindi pa nade-detect ng Philippine Genome Center (PGC) ang Indian coronavirus variant sa bansa.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, sa 5,000 specimens na sinuri ng PGC ay walang nakitang Indian coronavirus variant.

Kasalukuyan na aniyang pinaghahandaan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang nasabing Indian variant.

Ibinahagi rin ng opisyal na nakikipag-ugnayan na ang DOH sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa posibilidad nang pagpapatupad ng travel restrictions sa India dahil na rin sa tumataas na kaso doon ng deadly virus.

Naghihintay na lang daw ang DFA sa magiging rekomendasyon ng health department.

Tiniyak naman ni Vergiere na kaagad silang maglalabas ng impormasyon sa magiging rekomendasyon ng kanilang mga eksperto.