-- Advertisements --

Tiniyak ng ambassador ng India sa Pilipinas na “very safe” ang COVID-19 vaccine na Covaxin na gawa sa kanilang bansa.

Una rito, batay sa lumabas na ulat, 81% ang efficacy rate ng bakunang dinevelop ng Bharat Biotech at ng Indian Council of Medical Research.

Ito rin ang bakunang itinurok kay Prime Minister Narendra Modi ilang araw na ang nakalilipas.

Ayon kay Ambassador Shambhu Kumaran, “very safe at very secure” ang nasabing bakuna at laganap nga raw ito sa India.

Nakapaghain na rin ang Bharat Biotech ng emergency use authorization sa Pilipinas noong Enero, ngunit nakabinbin pa ito sa Food and Drug Administration.

Inilahad pa ni Kumaran na pending pa rin daw sa ngayon ang mga commercial negotiations sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Bharat Biotech.

Sinabi pa ng Indian envoy na kung mas maagang mag-uumpisa ang diskusyon ng parehong partido sa Conaxin supply, mas mataas din daw ang tsansa na makapag-secure ang bansa ng milyun-milyong doses ng bakuna.

Magugunitang target ng Pilipinas na mabakunahan ang nasa 70% ng adult population upang maabot ang tinatawag na herd immunity.