Nagpahayag ng interes ang GMR Group ng India na mamuhunan sa Pilipinas partikular sa airports, roads at energy projects, habang sinisimulan ng administrasyong Marcos ang isang ambisyosong pagpapaunlad ng imprastraktura sa pamamagitan ng programang “Build Better More”.
Nag courtesy call kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang GMR Group’s top executives sa Marriot Hotel sa Singapore bilang sidelines sa kaniyang pagdalo sa 2023 Asian Summit. Inihayag ng mga opisyal ng GMR na magbibigay sila ng long-term solution sa Pilipinas partikular sa infrastructure at energy.
Ayon kay Srinivas Bommidala nagsimula ang GMR Group nuong 1978 sa pamumuno ng kaniyang father-in-law na si Mr. GM Rao, taong 1994 pumasok ang grupo sa paggawa ng mga highways at nuong 1999 pumasok sila sa pagtatayo ng mga airports.
Nagpahayag ng paghanga si Pang. Marcos sa naging achievements ng GMR’s Group at umaasa na ang nasabing Indian firm ay magiging bahagi sa pag unlad ng bansa partikular sa airports, roads at energy infrastructure.
Bukod sa interest ng Indian firm sa Sangley airport project, ang GMR ay isa sa limang potential bidders para sa P170.6-billion NAIA Public-Private Partnership (PPP) project.
Bukod sa India, nag-ooperate din ang GMR sa Indonesia at Turkey.
Kasama sa nasabing pulong ay si GMR Group Chairman Kiran Kumar Grandhi, Financial Advisor to the Sangley Consortium for international investment to the Philippines Liu Chee Ming, Speaker Martin Romualdez at Secretary Frederick Go.